DBA News Corner...
KATHA: Panitikang Patimpalak bilang pagdiwang sa Buwan ng Wika
T. E. Baluyut Inorganisa ng SIUALA ang kauna-unahang kompetisyong pampanitikan sa paaralan na pinamagatang “KATHA: Paglinang sa Panitikang Filipino tungo sa ating Bansang Mapagbago” noong ika-14 ng Agusto. Katulong sa pag-ayos ng nasabing kompetisyon ang Kapisanan ng mga Mag-aaral na Filipino o KAMFIL bilang parte ng kanilang mga programa sa paggunita ng Buwan ng Wika.
Ang paligsahan ay nahati sa dalawang kumpol, kung saan sa unang kumpol ay naglaban ang mga ika-pito at ika-walong baitang na kalahok, at sa ikalawang kumpol naman ay ang mga ika-siyam at ika-10 baitang. Sila ay nakipagkompetensya sa Pagsulat ng Sanaysay at Pagsulat ng Tula at binigyan ng iba’t ibang tema ang bawat kumpol at kategorya upang mabuo ang kanilang komposisyon.
Inanunsiyo ang mga nanalo sa sumunod na linggo at mabibigyang pagkakataon ang mga nagwagi ng Kampeonato na mapabilang ang kanilang nilikha sa susunod na paglilimbag ng dyaryo ng SIUALA.